This energetic Filipino rap pulses with raw urban frustration, delving into themes of meddlesome interference and unending bad luck. Perfect for reflective commutes or venting daily battles in the city hustle.
Masama Yan - Song Lyrics
Bakit mo ba pinapakialaman ang
Mga ginagawa ko, teka, meron ka bang alam?
Sa mga nangyayari sa'kin tinapanimulan
Na walang kahumpay-humpay na kamalasan
Teka muna, 'di ba, mayaman ang iyong ama?
Oo nga
Read More >>
eh, bakit nagre-reklamo ka pa?
Kasi unang una, hindi n'ya 'bibinigay ang mga
Kailangan namin, 'di na malaman ng aming ina
Kung kanino nangutang, umutang, pautang ulit
Pati pambayad namin sa ilaw ay laging gipit
Listahan sa tindahan na habang pili-pilipitin
Na salabat nagsi-alibang mga sitsiritsit
Lahat yan ay kasalanan ng ama kong magaling
Kaya kung minsan ay 'di ko maiwasang hilingin
Na mawala ng tuluyan dito sa'king paningin
Inilagay sa ataul, at tuluyan nang ilibing
Anong ilibing? Sino na naman ang namatay?
Wala pa naman, pero baka sumunod si itay
Sa panaginip ko lamang naman nailalabas
Ang aking galit, tanong ay bakit napaka gilas?
Ng tadhana, na masagana
Mga taong hindi inaalintana
Ang tulad mo na laging nasa bintana
Iniintay na lumuhod ang mga tala
Eh, pa'no yan, malapit na'ng bayaran ng tuition fee mo?
Okay lang yan, alam ko naman ang bahay ng ama ko
Teka, naku, mukhang may balak ka na masama
Ba't mo alam? Kasi wala 'kong tiwala sa 'yong mukha
Mauuna na ako, may pupuntahan pa ako
Kita tayo sa sabado, tatapusin ko lang ito, sige
Akala mo 'di ko alam kung sa'n ka pupunta
Kahit na nauna ka, sinundan pa rin kita
Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan
Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan
Simula ngayon, wala nang pakialamanan
Pero masama 'yan, teka, masama 'yan
Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan
Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan
Simula ngayon, wala nang pakialamanan
Pero masama 'yan, teka, masama 'yan
Napakagana nga pala ng bahay ng aking ama
Na dapat din pala sanang bahay din ng aking ina
Pero bakit sila? Tinuturing nya kaming iba
Kinalimutan din ng inay na ngayon ako naman ang babawi
Sa kayamanan ako namang hahati
Pero teka, pa'no yan, wala ka namang susi?
Sawa na 'ko na palagi na lamang lugi
'Wag ka maingay, manuod ka ng mabuti
Pagkatapos ko maibukas ang kandado
Buti na lamang wala ata silang aso
Hoy, tingnan mo kung tulog na ang mga tao
Wala na kaya pinasok ko ang kwarto
Ng aking ama na nasa opisina
Kinuha'ng maleta
Na punong puno ng pera
Pero bago 'yan ay merong nakitang batang may dalang magazine
Na 'di dapat siya ang tumitingin sino ka?
Agad akong napasigaw, pero 'di ko nilakasan
Kasi baka maligaw ang mga guwardiya
Na biglang merong pumasok na isang dalaga
Akala ko walang sinabi nung una
Hindi ko alam magaling pala manipa
Teka, bakit ka nagpakita?
Pa'no 'yan, bilisan mo sige, salag
Iwanan mo na lamang kaya baka mabalibag
Yuko, dapa, talon, ano ba'ng masakit?
Binalaan naman kita, ikaw lang ang makulit
Pero malupit, kita mo naman nakatalon
Napakayabang mo talaga, 'wag ka na lumingon
Sige ka, baka dumating ang mga pulis
Madami na tayong pera ngayon, halika bilis
Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan
Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan
Simula ngayon, wala nang pakialamanan
Pero masama 'yan, teka, masama 'yan
Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan
Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan
Simula ngayon, wala nang pakialamanan
Pero masama 'yan, teka, masama 'yan
Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan
Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan
Simula ngayon, wala nang pakialamanan
Pero masama 'yan, teka, masama 'yan